Ang AFP at NPA
Hindi yata inisip ni Gen. Hermogenes Esperon, AFP Chief of Staff, na sa kanyang pagkukumpara ng military sa NPA ay ibinaba niya ang buong sandatahan ng Pilipinas.
Nagreklamo si Esperon sa report ng Amnesty International kung saan binatikos ang pamahalaang Arroyo sa maraming patayan lalo na sa hanay ng mga progresibong organisasyon.
Sabi ni Esperon, bias raw ang AI sa maka-kaliwa. Marami rin daw pinapatay ang mga NPA, ang army ng Communist Party of the Philippines.
“Mula 2,000 umabot na sa 1,127 ang pinatay ng NPA sa buong bansa,” sabi ni Esperon.
Akala siguro ni Esperon excused na ang kanilang pagpa-patay ng sibilyan dahil nagpapatay rin ang mga NPA.
Sa isang sibilisadong at demokratikong bayan, walang excuse ang pumatay ng tao na hindi dumaan sa hustisya. Kung may kasalanan ang isang tao, sampahan ng kaso at hustisya ang magbibigay ng parusa. Ang pagbigay ng parusa ay hindi sa kamay ng military o ng pulis porke’t may baril sila, kahit na rin sa NPA.
Ngunit mas malaki ang responsibilidad ng military at ng pulis na pahalagaan ang batas dahil sla ay sinuswelduhan para ipatupad ang batas. Sila ay binabayaran mula sa buwis na binabayad ng taumbayan para protektahan ang taumbayan. Hindi para patayin.
Ang mga NPA ay mga rebelde. Kaya nga sila tinatawag ng mga rebelde dahil hindi sila nagpapasakop sa batas. Kaya sila tinutugis. At kapag nahuli sila, dapat ay patungan ng parusa.
Ang ginagawa ng mga military ngayon ay kahit suspetsa lang, kahit hindi pa napatunayan, pinapatay na. Katulad ng dalawang estudyante na ng UP na si Karen Empe?o at Sheryl Cadapan at ang tumutulong sa kanila na magsasaka na si Manuel Merino.
May nakapag-sabi sa amin ng opisyal ng pamahalaan na sa pag-uusap daw kasama si Esperon tungkol sa tatlo, sinasabi ni Esperon na tutmutulong naman raw talaga ang tatlo sa NPA. Ganoon rin ang sinabi nig General Jovito Palparan.
Ano ang ibig nilang sabihin, talagang pinatay nila dahil tumutulong sa NPA?
Sabi na AI, “Dapat mahiya ang pamahalaan ng Pilipinas na ang taumbayan ay hindi malayang makapili ng kanilang pulitika.”
Gumawa na naman si Gloria Arroyo ng commission na mag-imbestiga raw ng mga patayan. Walang mangyari dyan dahil ang ang utos ay galing sa itaas.
Di ba all-out war ang order ni Arroyo. Tumbukin ba ng commission ang responsibilidad ni Arroyo at ng matataas na military officials? Gloryahan na naman yan.
Other articles: